Authentic Filipino Recipe: Chicken Adobo

Ano ba ang Adobong Manok?

Ang “adobo” ay salitang Kastila sa sarsa, panimpla o pangbabad. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa loob na mahigit 300 na taon kaya hindi nakakapagtaka na karamihan sa ating mga lutuin ay may pagkakahawig sa mga lutuing Kastila. Ang adobo ay tinatanggap na pambansang lutuin o putahe ng Pilipinas. Ito ay pinaghalong karne ng manok o baboy na niluto sa toyo, suka, bay leaf, maraming bawang at pamintang buo.

Anu-ano ang mga sangkap sa pagluluto ng Adobong Manok?

  • 6 pcs. of Chicken legs
  • 1/2 cup of soy sauce
  • 1/2 cup of apple cider vinegar
  • 1/4 cup of olive oil
  • 1 tbsp of sugar
  • 1 pc. whole garlic
  • 5 pcs. bay leaves
  • peppercorns

Paano ito lutuin?

Una i-marinade muna ang manok, pangalawa maglagay ng mantika sa paglulutan, pangatlo igisa ang bawang (golden brown) at isunod ang manok, hintaying mag light color tsaka isunod ang toyo (soy sauce), suka (apple cider vinegar), paminta (peppercorns) tsaka bay leaves (laurel). Pagkakulo lagyan ng asukal at hintaying maluto.

Hintayin nalang na maluto ang Adobong Manok.

Wala na, luto na!

Ilagay sa lagayan at ihain na sa hapag kasama ng mainit na kanin.

Mag pray muna bago kumain.